Blog na Pang-Edukasyon
ANG KALAGAYAN NG POLITIKA SA PILIPINAS


Malaki ang gampanin ng politika sa araw-araw na pamumuhay. Sa ayaw man natin o gusto, apektado tayo ng bawat desisyong napagkasunduan at mapagkakasunduan pa ng mga nasa katungkulan.
Marami ang mga hamong kinakaharap ng ating bansa na dapat bigyang pansin. Isa na rito ay ang kawalan ng maayos na patakaran sa politika. Maraming pulitiko ang namumuno sa ating bansa na hindi karapat-dapat sa kanilang posisyon. Isa sa mga humahadlang sa pag-unlad ng ating bayan ang pagkakaroon ng matinding suliranin sa korapsyon. Isang paglabag sa itinatakda ng ating batas na nangangailangan ng isang moral at tamang solusyon upang ito ay malutas.
Karaniwan na sa ating pamahalaan ang pagkakaroon ng mga pinuno na ang tanging gusto lamang ay yumaman. Ang kanilang posisyon ay ginagamit para makuha ang kanilang pansariling kagustuhan na hindi isinasaalang-alang ang kinabukasan ng mga mamamayang nasasakupan. Ang mga mahihirap Ang palaging naaapektuhan dahil dito. Sa ating bansa ang mga may kapangyarihan ay nang-aabuso na dapat sana'y makatulong sa mga mahihirap ay naging daan pa ito para ang mga nasa posisyon ay mangurakot at gastahin ang pondong inilaan para sana sa mga proyekto ng ating pamahalaan.
Kung ganito parin ang sistema sa politika at patuloy na makikita ng mga mamamayan anong gagawin nila?
Siguradong bawat isa ay magtatanim ng galit sa mga nanunungkulang walang ginawa kundi gastahin lamang ang kaban ng bayan?
Bakit nga ba mahirap sugpuin ang korupsyon?
Bakit nga ba may mga panlilinlang lalo na’t salapi ang pinag-uusapan?
Maituturing na itong sakit ng ating lipunan, mistulang kanser sa loob ng ating pamahalaan. Ang korapsyon ay isa sa mga dahilan at nagiging ugat ng kahirapan dito sa ating bayan. Ang pagiging ganid sa pera at kapangyarihan ng mga namumuno ay ang ugat ng lahat ng kasamaan. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang korapsyon ay laganap sa ating bayan. Ang pagnanakaw sa kaban ng bayan ng mga taong ganid na namumuno sa ating lipunan.
Batay sa pagaaral mula sa Berlin-based organization Transparency International, sa 180 bansa, ang Pilipinas ay nasa ika-115 puwesto sa Corruption Perception Index (CPI). Masyadong malayo pa ang kailangang tahakin ng ating bansa bago maabot ang mataas na antas ng walang bahid ng korapsyon. Sa kasalukuyan, maraming sekto ng pamahalaan ang puro katiwalian. Maraming nagpapasasa sa pera ng taumbayan. Maraming “buwaya” na walang kabusugan.
Napakalakas ng kanilang loob upang mangurakot dahil alam nilang hawak nila ang batas at kaya nila itong malusutan. Taumbayan ang ninakawan, kaya nararapat lamang na tayo din ang dapat umusig sa mga taong may dapat pagsisihan. Malawak at malala na ang suliraning korapsyong kinakaharap ng ating bayan.
Dahil sa patuloy na ganitong uri ng sistema ay nawawalan na ng tiwala ang mga mamamayan sa ating gobyerno dahilan para magkaroon ng malawakang pag-aaklas. Tayo ang naglalagay ng mga pinuno sa kanilang posisyon kaya ay nasa kamay ng bawat isa ang pagkakataon na mabawasan at matigil ito. Kung magiging tama ang ating mga desisyon tayo ay mabubuhay sa bayang may tamang sistemang umiiral na walang korapsyon, may kalayaan at may katarungan.
Sama-sama nating labanan ang korapsyon! Magkaisa tayo para sa isang bansang maayos at maunlad.
References:
Ang iyong blog post ay isang magandang simula sa pagtalakay sa kalagayan ng politika sa Pilipinas.
ReplyDelete- Malinaw na Introduksyon: Ang simula ay nakakaakit ng atensyon at nagpapaliwanag ng kahalagahan ng politika sa pang-araw-araw na buhay.
- Mahalagang Isyu: Napakahusay na binanggit mo ang mga pangunahing isyu sa politika ng Pilipinas.
- Papel ng Mamamayan: Mahalaga ang pagbibigay-diin sa papel ng mga mamamayan sa politika.
- Mga Hamon: Mahalagang talakayin ang mga hamon sa politika ng Pilipinas.
Tunay nga talaga na halos lahat ng kanilang ipnapangako ay napapako, sapagkat satingin ko ay pera lamang ang kanilang habol. Malabong makamtan ang pag-unlad sa ganyang uri nang pinuno. Pansariling kagustuhan ang pinapa-iral at hindi iniisip ang kapakanan ng kaniyang mga nasasakupan.
ReplyDeleteAng korapsyon ay talaga namang isa sa pinakarason nang malawakang suliranin ng kahit ano mang bansa. Kung ako ang tatangungin hindi naman natin ito lubos na makahihinto, at ito ay atin lang na masusugpo ng pansamantala. Sabihin man nating magkaroon ng maayos na mga pinuno na isang paraan para malunasan ang ganitong mga problema sa pamahalaan na apektado ang mga mamamayang namamalagi dito, hindi pa din tayo nakatitiyak na ang mga maaring pumalit sa kanila ay ganon din kaayos ang gagawin. Dagdag pa, kaugnay nito ang ating pagboto bilang mga mamamayang pipili ng ating iluluklok kaya naman nakataang din sa atin ang responsibilidad na pumili ng mapagkakatiwalaang kandidato at hindi yung padala lang sa pangako o salita nila sa kanilang mga kampanya, na kung minsan pa nga nagpapabayad pa. Ito ay kaugnay ng katotohanang hindi din sila maluluklok dun at makapangungurakot kung hindi sila niluklok ng karamihan, pero hindi ko sinasabi na kasalanan natin kung bakit nagkakakorapsyon sa politika, ika nga nila "be wise". At para din sa akin, mababawasan ang usapang korapsyon sa politika kung makatitiyak tayo na ang mga nagpapatakbo nito ay hindi ganid sa yaman ng bansa at talagang may pakialam sa pag-unlad ng ekonomiya ng ating bansa nang walang halong intensyon na Kun ha ng malaking yaman na para sa ikabubuti ng marami nyang nasasakupan.
ReplyDeleteAng politiko ang nangunguna sa lahat kaya maraming problema ang nagaganap sa bansa natin ngayon, una ay ang edukasyon hindi mabigyan ng sapat na atensyon ng mga nasa gobyerno ang mga estudyante at mga guro lalo na sa sahod nila na hindi sapat para buhayin ang mga pamilya nila dahil hindi sapat,pangalawa ay ang korapsyon ng ating bansa na hanggang ngayon hindi pa matapos tapos, at panghuli ay ang mga botante o mga mamamayan dahil tuwing botohan ay mabigyan lang sila ng salapi o pera ng isang kandidato ay iyon na ang kanilang iboboto, iyon na ba ang kanilang pinagbabasehan para gawing presidente o ano paman maging maalam po tayong mga botante kung sino ang ating pipiliing kandidato dahil permanente na po iyan , siya ang magiging lider ng ating bansa marunong po dapat tayong pumili at mag isip kung sino ang ating magiging presidente o kahit ano pa man, isa rin sa nagpapababa ng antas ng ating bansa ay ang droga na hinding hindi matapos tapos dahil may mga tao pa'din na gumagamit nito kahit pinagbabawal na at hinuhuli na ng ating mga kapulisan, may iba ring mga drug user ay nakaupo sa politiko at hindi alam ng bawat isa ay gumagamit na rin ito ng ipinagbabawal na gamot na daoat siya yung tumutulong na mapuksa ito sa ating bansa "be wise" po sa lahat ng ginagawa natin dahil tayo lang ang magtutulungan para maging maayos at masagana ang ekonomiya ng ating bansa, hindi lamang problema ang nakikita saatin at pati na rin daoat ang ating mga yamang likas, pangalagaan po natin ito.
ReplyDeleteAng pag uusap tungkol sa korapsyon ng ating bansa ay napakahalaga. Ang blog na ito ay nagbibigay ng malinaw na larawan sa mga problema at nagpapaalala na nagsisimula ang pagbabago sa bawat isa sa atin. Ang pagiging responsableng mamamayan at ang pagpili ng pinuno na may magandang plano at tutuparin ang mga magagandang pangako para sa ating bansa ay mahalaga para maging maayos at maunlad ang ating bansang pilipinas.
ReplyDeleteAng bloy na ito ay maayos at malinaw na nailarawan ang mga problema at mas lalong nagpatibay pa sa blog na ito ang mga sources na pinagkuhanan
ReplyDeleteNapaka ganda ng blog na ito una sa lahat ito ay mayroong mga pictures. Napaka rami ring mga impormasyon na pwedeng makalap sa blog na ito
ReplyDeleteAng nakalagay sa blog ay makatotohanan. Ito ay madalas na nangyayari sa ating bansa. Maraming mga tumatakbo sa politiko na ang nais lang ay maging korap. Kaya hindi umuunlad ang ating bansa. Kaya dapat yung tayo na ang boboto. Ang iboto natin ay yung handang tumulong sa mamamayan. Maraming mga tumatakbo sa politiko na nag bibigay ng suhol na pera at nag bibigay ng tulong sa umpisa. Pero pag sila na ang nanalo. Karamihan sakanila ay nais lang maging korap. Imbis na tulungan natin ang ating bansa upang umunlad. Sila din ang dahilan kung bakit ang Pilipinas ay hindi umuunlad. Hindi porket binigyan nila tayo ng pera ay sila na agad ang ating iboboto. Hindi porket sikat sya dati ay sya na agad ang ating iboboto. Dapat ang ating iboboto ay yung may napatunayan na kayang gampanan ang kanilang posisyon at tungkulin. Kahit hindi pa sila tumatakbo sa politiko ay may mga natulungan na sila sa mga mamamayan. Dapat kung tayo na ang boboto. Iboto natin ang karapat dapat yung kayang gampanan ang kanilang magiging posisyon. Hindi yung korapsyon. Yung handang tulungan ang ating bansa na mapaunlad na walang hinihingin kapalit.
ReplyDeleteMaganda ang blog na ito, dahil naibabahagi ng manunulat ang nangyayari sa ating bansa patungkol sa politika. Dapat lamang na ang mga umuupo sa politika ng bansa natin ay ang ginagawa ng taos sa puso ang bawat tungkulin nila, dapat hindi umuupo ang mga korap dahil walang pag uunlad ang ating bansa.
ReplyDeleteHindi natin maikakaila na isa sa pinakamabigat na suliranin na kinakaharap ng ating bansa ay ang korapsyon. Kailangan talaga na sa lahat ng nasa katungkulan ay tapat, matino, at higit sa lahat, hindi nangungurakot para sa pansariling pakinabang. Sa kabuuan, ang ganda ng nilalaman ng blog.
ReplyDeleteSadyang makatotohanan ang nilalaman ng blog na ito, pinapakita nito ang pinakamabigat na suliranin ng ating bansa. Kailangan talagang maging matalino at mausisa ng bawat mamamayang Pilipino sa pagboto. Pumili ng matalino, tapat, at hindi kurap na lider.
ReplyDeleteMaganda ang pagsusuri ng may-akda ukol sa kalagayan ng politika sa Pilipinas, partikular na ang epekto ng malawakang korapsyon sa bansa. Itinuturing na sanhi ng kahirapan at kawalan ng tiwala sa gobyerno ang ganitong sistema. Hinikayat din ang bawat isa na magkaisa at magtulungan upang labanan ang katiwalian, upang magkaroon ng mas maayos at mas progresibong bansa. Mahalaga ang pagkakaroon ng tamang liderato at tamang desisyon mula sa bawat isa sa atin upang makamtan ang tunay na pagbabago.
ReplyDeleteNapakalinaw at maganda ang pagkakagawa ng konteksto, tiyak at walang labis ngang ang ibang mga namumuno sa ating bayan ay tanging ang abag nila sa politika ay ang mangurakot at gastahin ang pondong inilaan para sana sa mga proyekto ng ating pamahalaan dahilan upang magkaroon ng korapsyon sa ating Bansa. Sa tagal ba naman nating mga pilipino bumubuto ng Tama at magandang pinuno upang mamuno sa ating Bansa para sa bayan ay tila'y parang mapagbalat kayo ang wangis nila. Mapagsarili o buwaya kung kumilod sa loob.
ReplyDeleteAng aking tugon patukol sa "Ang kalagayan ng politika sa pilipinas" ay nag tatapos Dito.
Naway sanang masugpo ang mga nangungurakot at mapangsariling intensyon o kagustuhan ng mga namumuno sa ating bansa!!!
Nagustuhan ko ang iyong blog sapagkat mayroong mga litrato para mag-discribe ng iyong topic at maayos mo rin napahayag.
ReplyDelete"Ang ganda ng pagkakalahad ng mga isyung kinakaharap ng bansa, lalo na tungkol sa korapsyon at ang mga problema sa pamahalaan. Ramdam na ramdam ko kung paano naaapektuhan ang bawat isa sa atin sa ganitong sistema. Napakahalaga ng ganitong mga blog para mas maipakita sa mga tao ang mga tunay na sitwasyon at kung gaano kalaking epekto ang dulot nito sa araw-araw nating pamumuhay. Mahusay ang pagkakasulat—mabibigyan talaga ng linaw at inspirasyon ang sinumang mambabasa nito."
ReplyDeleteNapakalinaw ng pagpapahayag ng mga ideya tungkol sa mga isyu ng politika sa ating bansa. Makikita ang malalim na pagsusuri sa mga suliranin, tulad ng korapsyon at ang hindi tamang pamumuno ng ilang mga pulitiko. Maganda ang pagtalakay sa epekto ng ganitong mga isyu sa mga mamamayan, partikular na sa mga mahihirap. Nawa'y magbigay ito ng inspirasyon sa mas maraming tao na maging mapanuri at magsulong ng mga pagbabago para sa ikabubuti ng nakararami.
ReplyDeletenapakamahusay ang pagkagawa nito, naway mamulat ang ating bansa at atin itong mabago
ReplyDeleteBase sa blog na ito napatunayan na ang pangunahing problema ng ating bansa ay ang korupsyon na syang dahilan sa patuloy na pag hirap ng bansang Pilipinas. Patuloy ang pag hirap nito dahil sa mga gobyernong sakim sa pera kaya kahit ilang taon pa ang lumapis tila walang pag babago o pag angat ng bansa. Masama pa rito dahil ang pangunahing naaapektohan ay ang mga mamamayan, maraming pilipino ang namamatay sa kahirapan. Nais kung sabihin na maayus at maganda ang nilalalaman ng blog na ito at maging dahilan ang mga mensahe na maging aware tayo sa nangyayare sa'ting bansa at magising sa katotohanan na dapat mas pumili tayo ng karapat dapat na mamuno at hindi ang kaban ng bayan ang nais, kundi ang kaayusan at pag angat ng ating pinakamamahal na bansa.
ReplyDeleteAng politika ay isang mahalagang aspeto ng ating lipunan na direktang nakakaapekto sa ating pang-araw-araw na buhay. Sa kabila ng iba’t ibang pananaw at opinyon, nararapat lamang na tayo ay maging aktibo at mapanuri sa mga isyung politikal.
ReplyDeleteAng blog post na ito ay tunay ngang nagpapakita ng makatotohanan nangyayari sa ating bansa at nagbibigay ng kaalaman sa mambabasa patungkol sa kung ano ang kalagayan ng ating politika sa kasalukuyang panahon.
ReplyDeleteMagandang napapag-usapan at nalalaman natin ang mga ganitong isyung panlipunan na kinakaharap natin ngayon, isa sa mga isyung panlipunan na ito ay ang korapsyon na nakasaad sa blog post na ito.
Nakasaad din dito ang mga epekto nito hindi lang sa ating bansa kundi pati na rin sa mga mamamayan na sakop nito.
Nakakalungkot isipin na may mga nahahalal na pinuno sa ating gobyerno na ang tanging hangad lamang ay sariling karangyaan at kapangyarihang bigay ng kanilang mga posisyon.
Kaya't maging mautak at maingat tayo sa pagpili ng ating magiging pinuno, suriin natin maigi at piliin ang kandidato na may layuning mag-aangat sa atin mula sa pagkakalugmok patungo sa kaunlaran na hangad ng bawat isa sa ating bansa.
Tama nga naman na hindi lahat Ng tao ay napapansin ibang mga nasa itaas, ang iba ang gusto lamang ng sikat at yaman, kaya sana'y matuto na tayo sa mga napagdaanan nating mga mamamayan na paghihirap, pumili tayo ng nararapat hindi yung pipilian natin dahil lamang sa salapi.
ReplyDeleteTama ang punto ng artikulo—malaki ang papel ng bawat mamamayan sa paglaban sa korapsyon. Sa halip na tahimik lang tayong nakamasid, kailangan nating maging mas mapanuri at aktibo, lalo na sa pagpili ng mga lider na may tunay na malasakit sa bayan. Mahalaga ring panagutin ang mga opisyal na umaabuso sa kanilang kapangyarihan. Hindi madaling sugpuin ang katiwalian dahil matagal nang nakabaon sa sistema, pero hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa. Sa pagkakaisa at sama-samang pagkilos, may kakayahan tayong magtaguyod ng mas malinis at maayos na gobyerno. Kung bawat isa sa atin ay gagampan sa laban kontra korapsyon, posible pa rin ang isang mas maunlad na bansa na may tunay na hustisya at integridad.
ReplyDeletemaganda at maayos ang paggawa, gumamit rin ng mga larawan upang makapagpakita ng visuals sa mambabasa, mgaling ang paglakagawa at pagkakabuo ng blog
ReplyDeleteMaganda tong blog na to. Yung korupsyon ay di mawawala sa ating mga gobyerno. Ang politika mismo ang nagpapadala sa kanila. Yung pera na ipamimigay para sa mga tao o lugar na nangangailangan ng tulong, ginamit nila sa mga useless na mga bagay.
ReplyDeleteang blog na ito ay nagpapakita ng katotohanan , sa kalagayan ng ating politika ngayon at bigay kaalaman din , napunatayan din ang mga mabigat na problema sa ating bansa.
ReplyDeleteAngkop na angkop ang sinabi ng mga tagasulat nito sapagkat talagang makikita mo naman sa ating bansa ang mga ito. Napakahalaga na mapag-usapan ng lahat ang patungkol sa politika dahil nakasasalay dito ang buhay ng lahat ng tao. Ang pag-uusap patungkol dito ay magtataglay ng malaking pagbabago para sa lipunan. Malalaman natin ang mga kinakailangang gawin sa mga sumunod na panahon kung alam na natin kung ano nga ba ang mga problema sa isang bansa at kung ano-ano ang mga dapat ipaunlad.
ReplyDeleteTotoo lahat NG nasabi sa iyong blog.
ReplyDeleteKahit ano pa man Ang gawin natin Hindi natin maiwasan Ang mga corrupt sa gobyerno.. pero kahit ganun piliin nalang natin Kung sino Ang may nagagawa pikit Mata nalang sa ginagawa nilang korapsyon Basta Hindi nila napapabayaan Yung mga gampanin nila bilang public servant.. nasa ating kamay nakasalalay Ang tagal nila sa posisyon nila pag nakita natin na walang pinatutunguhan. Sa susunod na botohan Alam na natin Ang dapat iboto at hindi
Mahusay ang paglalahad mo ng mga detalye. Masusing tinalakay ang usapin, na talagang kapupulutan ng aral. Ibinahagi mo rin ang mga reperensya na iyong ginamit. Ang mga larawan ay nakaayon sa nilalaman ng iyong blog.
ReplyDeletemaayos ang pag kaka-gawa ng blog na ito, kung babasahin mong mabuti, marami kang matututunan.
ReplyDeleteSa aking opinyon, napakalinaw ng mensahe ng blog ukol sa kalagayan ng politika sa Pilipinas. Binibigyang-diin nito ang mga hamong dala ng korapsyon sa bansa, at sa mas malalim na antas, ang papel ng bawat Pilipino sa pagpili ng tamang mga lider. Mahalaga ang blog na ito dahil tinutukoy nito ang dahilan ng kahirapan at ang kawalan ng tiwala sa pamahalaan na nagmumula sa mga ganitong klase ng sistema. Ipinapaalala nito sa atin ang kahalagahan ng pagiging matalino sa pagboto at pagiging mapanuri sa mga kandidato. Bagamat napakalaki ng suliranin, naniniwala akong mahalaga ang pagsusumikap ng bawat mamamayan upang labanan ang katiwalian sa lipunan, sa pamamagitan ng pagboto ng tapat at maipakita ang pagmamalasakit sa kapwa.
ReplyDeleteNapaka rami din na mga impormasyon na pwedeng mahanap sa blog na ito
ReplyDeleteAng pagiging maunlad ng isang bansa ay nagsisimula sa ating sarili. Dapat tayo ay matuto sa pagpili ng karapat dapat na mamuno sa ating bansa at huwag magpadala sa salapi dahil ito ay nauubos. Isipin natin ang ikakabuti ng ating bansa sa mga susunod na henerasyon.
ReplyDeletenagustuhan ko ang blog dahil nakalagay na lahat ng information and maayos ang pagkakasulat, nakakaaliw rin dahil sa mga pictures
ReplyDeleteNapakalinaw ng blog ito ipinapakita na ang pulitika sa Pilipinas ay marumi. Laganap Ang korapsyon na malaking hadlang para umunlad Ang Ating bansa.
ReplyDeleteNapaka husay! At napahiwatig ng maayos at malinaw ang mga nilalaman
ReplyDelete